ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kuwento ng mga residente sa islang uhaw sa malinis na tubig, Sabado sa Front Row
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inihahandog ng Front Row: Isla Disyerto
Airing Date: February 9, 2013 sa bagong oras - 9:45pm Sa kabila ng malawak na karagatang nakapalibot sa Barangay Buri sa San Jose, Occidental Mindoro, nananatiling uhaw sa malinis na tubig ang mga residente rito. Apat na oras ang kailangan nilang lakbayin para mag-igib ng tubig sa kabilang sitio.
Maagang bumabangon ang mga residente para magpastol ng mga alaga nilang baka. Ito ang kanilang katuwang sa pag-iigib ng tubig na kanilang gagamitin sa araw-araw. Bata man o matanda, ganito ang nakasanayang paraan para mapawi ang kanilang uhaw sa inuming tubig.
Ayon sa Community Based Monitoring System ng Partnership for Economic Policy, isang international network ng mga eksperto , 99.2% ng mga kabahayan sa Barangay Buri ay walang malinis na tubig.
Huwag palampasin ang kuwento ng mga residenteng animo'y nakatira sa "Isla Disyerto", ngayong Sabado sa Front Row, 9:45 pm sa GMA News TV Channel 11.
Maagang bumabangon ang mga residente para magpastol ng mga alaga nilang baka. Ito ang kanilang katuwang sa pag-iigib ng tubig na kanilang gagamitin sa araw-araw. Bata man o matanda, ganito ang nakasanayang paraan para mapawi ang kanilang uhaw sa inuming tubig.
Ayon sa Community Based Monitoring System ng Partnership for Economic Policy, isang international network ng mga eksperto , 99.2% ng mga kabahayan sa Barangay Buri ay walang malinis na tubig.
Huwag palampasin ang kuwento ng mga residenteng animo'y nakatira sa "Isla Disyerto", ngayong Sabado sa Front Row, 9:45 pm sa GMA News TV Channel 11. Tags: frontrow, isladisyerto
More Videos
Most Popular