ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Anghel Sa Lupa: Kuwento ng mga batang may rare diseases, sa Front Row


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bumabaluktot ang mga buto, hindi makalakad, bumibilis ang pagtanda. Ilan sa mga senyales ng sakit na tinatawag na maroteaux-lamy syndrome isang uri ng mucopolysaccharidosis o mas kilala sa tawag na MPS. Sa buong mundo, isa sa bawat 20,000 ang nagkakaroon ng 'di pangkaraniwang sakit na ito.



Sa edad na walong taong gulang, taglay ito ng batang si Tintin. Siya ang unang naitalang kaso ng sakit na ito sa Pilipinas. Ayon sa mga dalubhasa, nananatiling wala pang lunas ang karamdamang ito. Sa kabila nito, pilit sinisikap ni Tintin na mabuhay ng normal. Siya ay naglalaro kasama ang mga kapwa bata at siya ay nag-aaral.


Tunghayan ang kuwento ng pakikipaglaban ni Tintin sa kanyang karamdaman ngayong Sabado, March 16, 2013 sa GMA News TV Channel 11, 10PM.