ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Inihahandog ng 'Front Row': 'Pulbura'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
AIRING DATE: December 21, 2013
AIRING TIME: 9:45 PM

Paggawa ng paputok ang pangunahing kabuhayan ng isang komunidad sa Bocaue, Bulacan. Kabuhayang nagtatawid sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga residente at nagpapaaral sa kanilang mga anak. Pero ang kabuhayang ito, siya ring pangunahing nagdadala sa kanila ng kapahamakan.
Tulad ng pamilya ni Mang Edison, paggawa ng whistle bomb at kwitis ang ikinabubuhay ng kanyang buong mag-anak sa kabila na ito rin ang naging dahilan ng pagkasunog ng katawan ng isa sa kanyang mga anak. Ngunit dahil na rin daw sa hirap ng buhay, napipilitan silang magpatuloy sa ganitong gawain.
Sa darating na Sabado, sundan ang kuwento ng kabuhayan sa kabila ng kapahamakan ng mga residenteng umaasa sa pagawaan ng paputok sa dokumentaryong “PULBURA” ng Front Row, 9:45 pm sa GMA News TV.

Tags: plug
More Videos
Most Popular