ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang 'Suntok sa Buwan' na buhay ng isang batang boksingero, tampok sa 'Front Row'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
AIRING DATE: February 24, 2014
AIRING TIME: 11:30 PM, after Saksi



Marahil dala ng kasikatan at tagumpay na tinamo ni Manny Pacquiao, marami pa rin ang naghahangad maging boksingero at nangangarap sundan ang mga yapak ng Pambansang Kamao.
 
Kabilang na rito ang ilang batang nasa eskuwela na bukod sa mag-aral, nagpupursige silang pagbutihin ang larong boxing.
 
Ang trese anyos na si John, isa sa mga batang atletang sumabak sa regional athletic meet sa MIMAROPA region kamakailan. Sampung taong gulang pa lamang si John nang magsimulang kahiligan ang boxing. Mula sa palaro sa intramurals sa eskuwela hanggang sa palarong panlalawigan, nagwagi siya ng gintong medalya. 


 
Tulad ng maraming manlalarong nangarap at sumabak sa boxing, hikahos sa buhay ang pamilya ni John. Pangungulong o panghuhuli ng isda ang ikinabubuhay nila. Pero dahil umano sa matinding commercial fishing, paliit nang paliit ang kita at pakaunti nang pakaunti ang huli nilang isda.
 
Pangarap makatuntong ng kolehiyo ni John. Pangarap din niyang maiahon ang pamilya sa hirap. Umaasa siyang magkakatoo ang lahat ng kanyang mithiin sa naisip niyang sandata – ang pagsabak sa larong boxing.
 
Sundan ang kuwento ni John sa Front Row, Lunes ng gabi, February 24, 2014 pagkatapos ng Saksi.
Tags: plug