ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Inihahandog ng 'Front Row': 'Burdadong Eba'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
March 17, 2014
11:30 PM, pagkatapos ng Saksi

11:30 PM, pagkatapos ng Saksi

“Wala lang” kung ituring ang tattoo ng ilan – simpleng simbolo na walang ibang kahulugan. Pero para sa iba, ang bawat tattoo na inuukit sa kanilang balat, may mahalagang kuwento, may malalim na dahilan. At kung dati’y mga kalalakihan ang madalas iugnay sa tattoo, ngayon, may mga kababaihan na ring nahuhumaling dito.
“Tattoo Queen” ang bansag kay Kittie dahil nababalot na ng tattoo ang halos buo niyang katawan. Hindi na niya mabilang ang eksaktong bilang, pero aabot na raw sa otsenta hanggang nobenta porsiyento ng kanyang balat, burdado ng tattoo. Mula sa kaniyang leeg, braso, kamay, pusod, binti hanggang paa, burdado ng tattoo. Halos mukha na lang niya ang walang tattoo. Imahe ng kaniyang mga mahal sa buhay, mga kinahihiligan at makahulugang mga simbolo, ito ang halos bumabalot sa buo niyang katawan. Dahil sa tattoo, nahanap niya ang kaniyang pag-ibig at lalo silang napagbuklod sa pareho nilang pagkahilig sa tattoo.
Kung si Kittie, mukha na lang niya ang walang tattoo, si Maimai, tadtad naman ng tattoo ang kaniyang mukha. Pitumpung porsiyento ng kanyang katawan, balot na rin ng tattoo. Dahil daw sa pagmamahal, ipinaukit niya ang pangalan ng maraming beses at mukha ng kaniyang boyfriend. Pero ang mga magulang at ilang kamag-anak ni Maimai, hindi sang-ayon sa kanyang pagpapa-tattoo.
Alamin ang mga kuwento sa likod ng bawat tattoo nina Kittie at Maimai sa “Burdadong Eba”, ngayong Lunes, March 17 sa Front Row pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.
Tags: plug
More Videos
Most Popular