ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Front Row': Ang Biyayang Hatid ng Kiwet


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.



PESTENG BIYAYA

Lunes, August 4, 2014  Pagkatapos ng Saksi sa GMA
Peste sa palayan kung ituring noon ang mga “Kiwet” o Rice Eel (Monopterus Albus) sa Barangay Luttuad sa Diffun, Quirino Province.
 
Naghuhukay kasi ang mga ito sa mga pilapil kaya naman nagkakaroon ng butas ang lupa at nasasayang ang tubig na sana’y pandilig sa mga palay. Pero kinalaunan, ang dating itinuturing na salot, nadiskubre ng mga residente rito na puwede palang ibenta at pagkakitaan.
Isa ang pamilya ni Jun Fernandez sa mga nanghuhuli ng kiwet. Madalas ay nakikitanim lang siya sa ibang lugar kaya naman kulang ang kanyang kita para buhayin ang kanyang pitong anak. Ang ikalawa niyang anak na si Joan, labing isang taong gulang pa lang at nasa ika-limang baitang, tumutulong na rin sa panghuhuli ng kiwet para raw may pambili sila ng bigas. Naibebenta ang kiwet mula 40 hanggang 60  pesos kada kilo.
Sundan ang  kanilang kuwento ngayong Lunes sa Front Row, August 4, 2014, pagkatapos ng Saksi sa GMA.
Tags: frontrow, kiwet