ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Magkakamukha, ngayong Lunes sa 'Front Row'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 

Apat ang kanyang inasahan. Pero nang siya ay magsilang, limang babaeng sanggol ang lumabas mula sa kanyang sinapupunan.
 
April 26, 2009, nanganak si Lorie Fernandez ng limang sanggol. Ito ang kauna-unahang quintuplets na isinilang ng buhay sa bansa. Malusog ang dalawa, pero naging sensitibo ang lagay ng tatlo. Makalipas ang ilang linggo, pumanaw ang dalawa. Tatlong sanggol na lang ang natira. 
 

Sa kasalukuyan, itinataguyod ng mag-asawa ang kanilang mga anak. May maliit na tindahan si Lorie, messenger naman ang asawang si Gary. Aminadong hirap sila sa buhay kaya hindi raw nila maipagamot ang mga anak kapag may sakit na hindi malulusog ngayon.
 

Ngayong Lunes, kilalanin silang “Magkakamukha” sa Front Row, ang itinanghal  na 2014 Winner sa Asia-Pacific Child Rights Award.