ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Exotic Pets sa 'Front Row'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mula sa mga aso at pusa ngayon ay nauuso naman alagaan ng iilan ang mga kakaibang uri ng hayop o insekto. Isa na rito si Glenn ang kanyang hobby pangongolekta ng mga ibatibang uri ng hayop. Mula sa ibat-ibang uri ng ipis or roach, mayroon din siyang mga ahas tulad ng cobra, viper at ibat-ibang uri ng rodents at hamster. Kinahihiligan din daw niya ang pag-aalaga ng owl at ibat-ibang uri ng ibon.

Ngunit ang problema marami sa mga alaga niya ay nasa ilalim ng mga ipinagbabawal ng awtoridad o malapit ng maubos. Nakukuha raw niya ito sa pamamagitan ng online trading ang nauusong paraan ng bentahan ng mga hayop.

Ngayong darating na Lunes sa Front Row 11:30 ng gabi, silipin ang mala mini zoo ni Glenn ang kanyang mga alagang hayop dito lang sa GMA 7
More Videos
Most Popular