ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kumustahin ang Jamich, ngayong Lunes sa 'Front Row'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Halos pitong taon na silang magkasintahan. Matindi man ang pagsubok na pinagdaraanan, hindi ito naging hadlang sa malalim at tunay nilang pag-iibigan.

Ito ang kuwento ng real-life sweethearts na "Jamich" - sina Jamvhille “Jam” Sebastian at Paolinne Michelle “Mich” Liggayu. Apat na taon na mula nang unang subaybayan ng publiko ang dalawa. Naging instant "Youtube" sensation ang "Jamich" dahil sa mga in-upload nilang short films tungkol sa kanilang buhay pag-ibig.

Hanggang Marso noong nakaraang taon,isang mabigat na balita ang kanilang inanunsiyo. Nakikipaglaban si Jam sa sakit na lung cancer. Iginupo man ng karamdaman si Jam, mas lalo pa raw tumibay ang pagsasamahan nila ni Mich. Sa kabila ng pakikipaglaban ng nobyo sa sakit, hindi nawala sa tabi ni Jam si Mich at nasa plano na nilang magpakasal. Pero kamakailan, mas lalong tumindi ang pinagdaraanan ng mga nagmamahal kay Jam dahil gusto na raw niya kasing isuko ang laban. Para sa kaniyang mga mahal sa buhay, hindi sila nawawalan ng pag-asa.

Ngayong Lunes, sundan ang bukod-tanging kuwento ng buhay at pag-ibig ng "Jamich", sa Front Row, pagkatapos ng Saksi sa GMA!
More Videos
Most Popular