ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tuklasin kung paano nakatapos ng pag-aaral silang mga may kapansanan sa paningin, bukas sa 'Front Row'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Isinilang na hindi nakakakita si Hanna samantalang halos aninag lang ang nakikita ni Eden. Pero ang edukasyong natamo nila sa loob ng anim na taon, tila nangniningas na liwanag na nagsisilbi nilang tanglaw sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.



Sa kabila ng kanilang kondisyon, kinaya nina Hanna at Eden na makipagsabayan sa isang regular na klase. Ang mga kailangang isulat sa papel, ginagawa ng katabi ni Eden sa pamamagitan ng carbon paper. Kapwa rin sila sumasailalim sa SPED o Special Education Classes kung saan mas itinuturo sa kanila ang mga aralin.



Sa Araw ng Pagkilala o Recognition Day sa kanilang paaralan, parehong nagkamit ng mga medalya sina Hanna at Eden. Matapos din ang anim na taong pagtitiyaga, kapwa sila magma-martsa para sa pinakahihintay nilang pagtatapos sa elementarya.



Sundan ang kahanga-hanga nilang paglalakbay sa dokumentaryong “Aninag” sa Front Row ngayong Lunes, April 6, pagkatapos ng Saksi sa GMA.