Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pulis na kalahok sa Mr. Gay World Philippines, tampok sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row
“Out and Proud”
September 26, Lunes pagkatapos ng Saksi sa GMA

Matapang at matipono. Tagapagpatupad ng batas at tagapagtanggol ng mga api.

Siya si PO1 Jessie Quitevis, isang aktibong pulis.

Pero may ibang labang sinalihan si PO1 Quitevis. Isa siyang kalahok sa darating na Mr. Gay World Philippines. Siya ang kauna-unahang pulis na sumali sa paligsahan at umamin sa publiko na miyembro ng LGBT community.

Sundan ang kanyang kakaibang kuwento bilang alagad ng batas at kalahok sa naturang paligsahan sa Front Row, ngayong Lunes, Sept. 26 pagkatapos ng Saksi.

Tags: plug