Mag-asawang tumutugtog ng xylophone sa kalsada, tampok sa 'Front Row'
Finalist
2017 New York Festivals
Human Concerns Category
Inihahandog ng Front Row
“XYLO LOVE”
April 17, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA

Sa kakaibang tunog mula sa xylophone, isang hindi inaasahang pag-ibig ang umusbong.

Ito ang kakaibang kuwento ng pagmamahalan nina Doy, 59 taong gulang at Anne, 23 taong gulang. Malayo man ang agwat ng kanilang edad, pinaglapit naman sila ng tadhana. Sa saliw ng kanilang musika sila nagkakilala, nagkaibigan at nakipagsapalaran.

Umiikot sila sa siyudad ng Cebu at inaaliw ang publiko sa kakaibang tunog ng xylophone na gawa sa kawayan. Limang taon nang magkatuwang sa buhay sina Doy at Anne. Sinubok na ng ilang beses ang kanilang pagsasama at bumabalik pa rin sila sa isa’t isa. May forever nga kaya ang kanilang pagmamahalan at musika?
Sundan ang kanilang kuwento sa dokumentaryong “Xylo Love” ng Front Row, April 17, Lunes pagkatapos ng Saksi sa GMA.