Lolo na magtutuba, kikilalanin sa 'Front Row'
Ang Karet ni Lolo Arturo

Sa Bayan ng Liliw, Laguna nakatira ang 63 anyos na si Lolo Arturo, isang mangangaret ng tuba. Halos limang dekada na rin nyang tinatawid at inaakyat ang matataas na puno ng niyog para makakuha ng katas ng niyog na gagawing tuba at suka.

Dalawang beses narin siyang nahulog dahil sa pagkuha ng tuba. Dahil sa edad, madalas hinahapo na rin siya sa pag akyat para sa pagtutuba. Pangangaret ang pinangbubuhay nya sa kanyang pamilya, kaya naman gusto na niya sanang maipamana ang pagkakaret sa kanyang mga anak na lalaki.

Lima ang kanyang anak na lalaki at isang babae pero tila wala ni isang interesado na matuto ng kaniyang hanapbuhay. Maipamamana pa kaya ni Lolo Arturo ang kanyang karet sa mga anak?Tunghayan sa front row. April 24, 2017 pa gkatapos ng Saksi.