ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga lolang dalaga, tampok sa 'Front Row'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Front Row presents
"Lola Dalaga"

Sa kalagitnaan ng taniman ng sibuyas sa Pangasinan nakatirik ang isang maliit na pinagtagpi-tagping kubo, malayo sa kapitbahay at ibang residente. Ito ang tahanan ng maliit na pamilya nina Lola Florentina (87), at Lola Virginia (81). Magkapatid sina Lola Florentina at Lola Virginia Felipe at parehong dalaga. Hindi man kailanman nagpakasal at nagsilang ng mga anak, nakapag-ampon at nagpalaki naman sila ng isang dosenang kabataan. Kabilang na rito si Raul na hindi na umalis sa kanilang poder at nagsilbing kanilang tagapag-alaga sa pagtanda.

Tahimik at tila payapa man sa kanayunan, hindi madali ang buhay para sa tatlo. Pareho nang hindi nakakakita ang magkapatid, samantalang may iniindang karamdaman naman ang kanilang tagapag-alagang si Raul kaya hindi na rin ito nakakapagtrabaho. Nakatira sa kalapit na bayan ang iba sa kanilang mga ampon subalit may kani-kaniyang anak din ang mga ito na inaalagaan.

Paano nabubuhay ang mga tulad nina Lola Florentina at Lola Virginia?