ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dating palaboy na naging call center agent, tampok sa 'Front Row'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“FROM KALYE TO CALL CENTER”
December 4, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA

Matapos mawalan ng mga magulang, nabuhay siyang mag-isa at natutong tumayo sa sarili niyang mga paa.

Naging palaboy siya sa kalsada at taga-deliver ng dyaryo. Minsan din niyang sinuyod ang mga kumpanyang nag-aalok ng libreng pagkain para mairaos niya ang bawat araw.

Sa loob ng tatlong taon, ganito ang naging buhay ng dalawampu’t apat na taong gulang na si Danilo Macababbad.

Sa kabila ng mga pinagdaanang unos sa buhay, sinikap bumangon ni Danilo. Sinubukan niyang mag-apply sa isang call center company. Sa kabutihang palad, naipasa niya ang interview at mga pagsusulit at kasalukuyan siyang dumaraan sa mga pagsasanay.

Sa lansangan kung saan siya minsang kinanlong, pangarap niyang muling bumalik para naman makatulong sa mga naninirahan dito sa kanyang munting paraan.

Sundan ang paglalakbay ni Danilo “From Kalye to Call Center”, sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, December 4, 2017 pagkatapos ng Saksi sa GMA.