ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sanggol na may parasitic twin, kukumustahin ng 'Front Row'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inihahandog ng Front Row

“BABY JAY-R”
Lunes ng gabi, January 29 pagkatapos ng Saksi

May apat na kamay, may apat na paa at dalawang ari, ganito ang sitwasyon ni Baby Jay-R nang ibahagi ng Front Row ang kanyang kuwento noong nakaraang Nobyembre. Ipinanganak na may tinatawag na parasitic twin si Baby Jay-R.

Dahil sa kanyang kondisyon, sa murang edad ay nalagay na sa alanganin ang kalusugan ng sanggol. Pero sa tulong ng mga doktor at eksperto sa Philippine General Hospital, isinagawa noong Disyembre ang isang maselang operasyon para makapamuhay ng normal si Baby Jay-R. Naging matagumpay ang isinagawang operasyon sa sanggol at tuluyang natanggal ang kanyang kakambal na nakadikit sa malaking bahagi ng kanyang tiyan.

Kumustahin ang kalagayan ni Baby Jay-R sa "Front Row" ngayong January 29, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi.

Tags: plug, frontrow