Binatilyong may malubhang karamdaman, tampok sa ‘Front Row’
Inihahandog ng Front Row
“PAPAG”
April 30, Lunes ng gabi
Pagkatapos ng Saksi sa GMA
Hindi makalakad at halos buto't balat. Hirap din siyang magsalita at igalaw ang kanyang mga kamay. Sa kawalan ng lakas, ni hindi niya maiangat ang kaniyang ulo.

Ito ang kalagayan ng 16 anyos na si Reymar Ogbot na nakatira sa bayan ng Katipunan, Zamboanga Del Norte.
Dahil sa kanyang kalagayan, nakahiga na lamang siya sa papag na gawa sa kawayan. Dahil sa matagal na pagkakahiga sa matigas na papag, may mga sugat na rin siya sa iba't ibang bahagi katawan.
Ano nga ba ang dinaranas ni Reymar? May pag-asa pa kayang muli siyang makabangon at manumbalik ang dati niyang lakas?
Sundan ang kanyang kuwento sa Front Row ngayong April 30, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA!