ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Drag queens sa Pilipinas, kilalanin sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row
“Seniora”
July 2, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi

Mga lalaki o bading na nagdadamit-babae para magtanghal at magbigay-aliw sa entablado – sila ang mga tinatawag na drag queens. Sina Robert “Bobby” Tobillo, Flor “Amparo de la Muñoz” Bien, Jr., Rico “Elizabeth Oro Medez” Reyes at Alfredo “Alfie Melon Moreno” Alipao, ilan sa mga sinaunang drag queens sa Pilipinas. Sila rin ang mga naunang lumipad sa Japan noong dekada otsenta upang maging drag entertainers doon. Umasenso ang kanilang mga buhay sa Japan kung saan tiningala sila bilang mga tunay na performers.

Subalit nang maghigpit ang gobyerno ng Japan sa mga entertainer, sila’y nagbalik bansa para muling makipagsapalaran. Naging miyembro sila ng mga grupo ng drag queens tulad ng Lola Divas, Golden Gays, at nagkaroon ng kani-kaniyang hanapbuhay. Ngayong mga senior citizens na sila o kung tawagin ang sarili ay “Seniora” madalang na rin ang kanilang pagtatanghal.

Pero  para sa mga Seniora, hindi hadlang ang edad para itigil ang kanilang pinakamamahal na trabaho. Habang kaya pa ng katawan, kaya pang ngumiti, at hangga’t may pumapalakpak, the show must go on.

Sundan ang makulay na kuwento ng mga “Seniora” ngayong Lunes ng gabi sa "Front Row" pagkatapos ng Saksi sa GMA!