ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Front Row'

Kalinga sa Mental


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

INIHAHANDOG NG FRONT ROW 
“Kalinga sa Mental”,
October 14, Lunes pagkatapos ng Saksi

Mula taong 1992, nasa National Center for Mental Health o NCMH na si Emelinda Cunanan. Nagsimula siyang magtrabaho doon bilang janitress. Hanggang siya ay naging nursing attendant o tagapag-alaga ng mga pasyente sa center.  Sa ngayon, mahigit dalawampu’t limang taong na siyang naglilingkod sa institusyong ito.

Sa tagal ng kanyang pagsisilbi, wala pa rin siyang kapaguran sa pag-aalaga sa mga pasyenteng may karamdaman sa pag-iisip.

Mula noong magsimula siyang magtrabaho hanggang ngayon, itinuturing niyang kaanak ang mga pasyenteng inaalagaan. Bagamat mahirap daw arugain ang mga pasyente, hindi nagsasawa si Emelinda sa kanyang trabaho.

Sundan ang kuwento ng sakripisyo ni Emelinda sa loob ng National Center for Mental Health sa Front Row ngayong October 14 pagkatapos ng Saksi! 

Tags: frontrow