ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ama, tinuturuang magbasa at magsulat ng 9 na taong gulang na anak


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

INIHAHANDOG NG FRONT ROW
“ESTUDYANTENG TATAY"
January 13, Lunes pagkatapos ng Saksi

 

Halos “no read, no write” ang padre de pamilya na si Jovelito Lantayona, 44 taong gulang.  Grade 5 lang ang kanyang tinapos pero pursigido siyang muling matuto.

May asawa at may mga na anak si Jovelito na kanyang sinusuportahan sa pamamagitan ng pangingisda. Sa mismong pinapasukan ni Jovelito sa Malalag Bay, Davao del Sur, kasama ang kanyang mga kapwa mangingisda, isinasagawa isang beses kada linggo ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS.

Araw-araw, pagkatapos ng trabaho ni Jovelito, matiyaga naman siyang tinuturuang magbasa at magsulat ng kanyang siyam na taong gulang sa kanilang bahay. Hindi siya nahihiya kahit sarili niyang anak ang nagtuturo sa kanya. Katwiran niya, patuloy siyang magsusumikap na mag-aral para sa kinabukasan ng pamilya.

Sundan ang kuwento ng “Estudyanteng Tatay” sa Front Row ngayong Lunes, January 13 pagkatapos ng Saksi!