ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga estudyanteng apektado ng Bulkang Taal, paano kaya makababangon?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

PANGARAP SA ABO
February 3, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA

 

Sa loob mismo ng Volcano Island, nakatayo ang isang elementary school. Pero nang  pumutok ang Taal Volcano, natabunan ng makapal na abo ang paaralan. Wasak na ang ibang bahagi nito. Nasira rin maging ang mga bahay at kabuhayan ng mga residente. Kaya hindi pa malinaw kung paano makababangon ang mga estudyante.

Lungkot din ang nararamdaman ng grade 1 student na si Cel Eddie Malabanan. First honor sa kanilang klase si Cel Eddie. Pero dahil sa nangyaring pagputok ng bulkan, kinailangan muna nilang tumigil sa pag-aaral.

Nang lumikas sila, hindi nakalimutang bitbitin ni Cel Eddie ang kanyang gamit sa eskwela. Kailangan kasi niyang magreview para sa sasalihang math competition.

Ang masaklap, habang nasa evacuation center, namatay ang lola ni Cel Eddie dahil sa atake sa puso at iba pang kumplikasyon.

Para malibang ang mga bata at mawala ang trauma sa nangyaring pagsabog ng bulkan, iba’t-ibang programa ang ginawa para sa kanilang mga bakwit.

Tunghayan ang kanilang kwento sa dokumentaryong “PANGARAP NA ABO”, sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, February 3, 2020 pagkatapos ng Saksi sa GMA7.