ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kamatayan, hindi naging hadlang para ikasal ang isang magkasintahan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

INIHAHANDOG NG FRONT ROW
"TILL DEATH DO US PART"
February 10, Lunes pagkatapos ng Saksi

 

Masaya at punung-puno ng pagmamahalan ang siyam na taong relasyon nina Victor Banayo, 33 at Marjorie Ann Calizar, 36 bilang magkasintahan sa Tiaong, Quezon. Noong Enero ng nakaraang taon napagpasiyahan nilang itakda sa Disyembre 26 ang petsa ng kanilang kasal sa simbahan.

Pero Hunyo noong nakaraang taon, inoperahan si Marjorie sa kanyang ovary dahil sa mga bukol na nakita ng doktor. Ayon sa doctor, stage 4 ovarian cancer ang resulta ng biopsy. Hindi na nagpa-chemotherapy si Marjorie dahil hindi rin masagot ng doktor kung may pag-asa pa siyang gumaling.

Makalipas ang anim na buwan noong December 22, nagsimulang manikip ang dibdib ni Marjorie at nahirapang huminga kaya nagpadala siya sa ospital. Lumabas ang resulta ng chest x-ray na kumalat na ang cancer niya sa kanyang baga kaya siya nahihirapang huminga.

Noong December 26 araw ng kanilang kasal, sa halip na bridal car, ambulansiya ang naghatid kay Marjorie sa simbahan. Sa kalagitnaan ng kanilang pagpapakasal bigla na lang nalagutan ng hininga si Marjorie pero itinuloy pa rin nila ang kasalan. Matapos ang kanilang kasal sa halip na sa reception sila tumuloy, sa punerarya na dinala ni Victor ang asawang si Marjorie.

Paano hinaharap ni Victor ang buhay ngayong hindi na niya kapiling ang pinakamamahal niyang asawa?

Sundan ang buong kuwento sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, February 10 pagkatapos ng Saksi sa GMA7.