Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Guro, tumatawid sa peligrosong tulay makarating lang sa paaralan


 

Inihahandog ng Front Row
“Ang Mga Sinusubok ng Tulay sa Pinukpuk”
February 24, Lunes ng gabi pagkatapos ng SAKSI

Araw-araw buwis, buwis buhay ang sitwasyon ng maraming residente sa Barangay Wagud sa bayan ng Pinukpuk, Kalinga.

Ang isang peligrosong tulay ang nagsisilbi nilang daanan para makatawid sa pupuntahan.

Kabilang na rito si Teacher Maribel. Tulad ng iba, kailangan niyang tawirin ang tulay na gawa sa pinagtagpi-tagping kawayan, bakal at tubo ng tubig papunta at pabalik ng eskwelahan para makapagturo.

Taong 2016 nang nasira ang dating hanging bridge sa kanilang lugar matapos humagupit ang malakas na bagyo. Mula noon, hindi na tuluyang naipagawa ang dati nilang hanging bridge.

Sa kabila ng kanilang nararanasan, patuloy silang tatawid sa buwis buhay na tulay sa ngalan ng edukasyon.

Sundan ang dokumentaryong “ Ang Mga Sinusubok ng Tulay sa Pinukpuk” sa Front Row, ngayong Lunes Pebrero 24, 2020 pagkatapos ng SAKSI.