7-anyos na bata, maagang namulat sa pagtatrabaho para makatulong sa pamilya

“BANAT BUTO”
March 9, Lunes ng gabi pagkatapos ng SAKSI
Sa umaga, estudyante ang pitong taong gulang na si Jhoncent Celicious. Kasalukuyan siyang pumapasok sa Grade 1 sa General Mariano Alvarez, Cavite. Pero pagkatapos ng klase, diretso sabak sa paghahanapbuhay si Jhoncent. Umiikot at naglalako siya ng mga gulay sa kalsada. Ito ang naisip na paraan ni Jhoncent para makatulong sa pamilya. Ang kanyang kita, pambaon sa eskuwela at pambili ng gamot ng ina niyang may karamdaman.



Tuwing Sabado at Linggo, walang patid pa rin si Jhoncent. Pagbebenta naman ng diyaryo at paglalako ng lumpia ang pinagkaka-abalahan niya. Sa kanyang murang edad, natutunan na niyang magbanat ng buto para maabot ang mga pangarap.



Sundan ang dokumentaryong “Banat Buto” sa Front Row ngayong March 9 pagkatapos ng Saksi!