ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Look up, look up!' The GMA News and Public Affairs 2013 Yearend Review


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
LOOK UP, LOOK UP!
The GMA News and Public Affairs 2013 Yearend
Hosted by Mike Enriquez and Ryzza Mae Dizon
December 29, 2013; 9:15PM




Ngayong 2013, tila bugbog-sarado ang mga Pilipino sa mga trahedya at kontrobersiya.  Niyanig ang Visayas ng 7.2 magnitude na lindol na labis na nagdulot ng pinsala sa mga probinsya ng Bohol at Cebu.  Tacloban at Samar naman ang napuruhan nang bumayo ang supertyphoon Yolanda na nag-iwan ng marka sa kasaysayan.
 
Napa-OMG ang marami nang malamang naisahan tayo ng bilyones sa pork barrel scam.  Bukod kay Janet Lim Napoles, sangkot din umano ang ilang malalaking pangalan sa pulitika!  Kaya naman ang galit na galit nating mga kababayan… nagsama-sama at nagmartsa sa Luneta.
 
Narindi rin tayo sa kaliwa’t kanang kaguluhan sa Mindanao, partikular na sa Cotabato at Zamboanga.  Ang agawan sa Sabah… umabot pa sa pagdanak ng dugo sa Malaysia!
 
Awat na! Kaya naman sa pagtatapos ng taon… “Bawal ang sad!”
 


Sa isang espesyal na pagtatanghal sa telebisyon, magsasama ang ‘Imbestigador ng Bayan’ na si Mike Enriquez at si ‘Aling Maliit’, Ryzza Mae Dizon sa “LOOK UP, LOOK UP! The GMA News and Public Affairs 2013 Yearend Review”.
 
Matapos mag-look back sa mga naganap ngayong taon, bubusisiin ng “LOOK UP, LOOK UP!” kung paano tayo muling babangon mula sa nagdaang mga unos.  Sa tulong ng mga eksperto, aalamin kung anu-ano ang mga aral na iniwan sa atin ng mga trahedya at isyu sa pulitika.  Paano tayo mas magiging handa para hindi na muling ma-knock down ng sakuna?

Ngayong humarap na sa senado si Napoles pero walang maayos na sagot na nakuha, paano natin masisigurong magbabayad ang mapatutunayang nagkasala? Ngayong inabolish na ang Pork Barrel, paano natin mas babantayan ang kaban ng bayan para masigurong mapupunta ito sa mga mamamayan?

At ang peace and order, paano nga ba dapat na tutukan ng mga awtoridad para sa mas mapayapang 2014 at mga susunod pang taon?
 
Sama-sama nating salubungin ng good vibes ang bagong taon sa “LOOK UP, LOOK UP! The GMA News and Public Affairs 2013 Yearend Review,” ngayong December 29 na sa GMA.