ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Valerie Concepcion bilang asawang losyang ngayong Sabado sa 'Karelasyon'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


“LOSYANG”
Tampok sina Valerie Concepcion, Marco Alcaraz at Pinky Amador
Written by Onay Sales
Directed by Rember Gelera
April 18, 2015

Sa ikalawang pagtatanghal ng Karelasyon, tampok ang istorya ni Marlon at ng kanyang dream girl at naging maybahay na si Tere.

Habang tumatagal ang pagsasama ng dalawa, kasabay ng paglaki ng kanilang pamilya at pagdami ng responsibilidad, unti-unting nagkaroon ng pagbabago sa kanilang relasyon.

Napabayaan na ni Tere ang kanyang sarili, at maging ang pagbibigay ng espesyal na atensyon sa kanyang mister.


Paano kaya haharapin ni Marlon ang katotohanang nalosyang na ang kanyang pinakamamahal na asawa?

Ano ang mas uunahin ni Tere – ang magiging problema nila ng kaniyang asawa o ang kaniyang mga anak? Anong klaseng tukso ang darating kay Marlon sa mga pagyayaring ito?

Isa na namang makulay na kuwento ang inyong matutunghayan sa drama anthology na naglalahad ng mga tunay na problema, hamon at pagsubok na hinaharap ng mga magkarelasyon!

Muling samahan si Carla Abellana, sa Karelasyon ngayong Sabado, April 18, 2:30pm sa GMA!