ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kuwento ng boss na inakit ang empleyado, mapapanood sa 'Karelasyon'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


KARELASYON: LARO

September 5, 2015

pagkatapos ng Eat Bulaga

 

Maganda, matalino at agresibo ---ganitong klase ng babae raw ang bossing sa opisina na si Sofia. At hindi lang sa trabaho hindi nagpapadaig si Sofia, dahil pagdating sa lalaki, basta’t natipuhan niya, gagawin niya ang lahat mapasakanya’t mapaglaruan lamang ito.

 

Ang sunod niyang biktima --- ang tatahi-tahimik na si Joshua na masaya na sana sa kanyang girlfriend na si Michelle, pero biglang nagbago nang maakit ng tukso ni Sofia.  

 


 


 

Kung noong umpisa’y nakakaiwas pa ang mabait na si Joshua, hindi na rin siya nakapalag nang itodo na ng kanyang agresibong boss ang pang-aakit at pagdiskarte.

 

Dito na magsisimula ang isang larong mauuwi sa patong-patong na gusot, problema at dahas!

 

Ano ang gagawin ni Michelle para mailayo ang kanyang mahal na nobyo mula sa isang babaeng gaya ni Sofia? Magpapatalo ba si Sofia sa gagawin ni Michelle? Anong pipiliin ni Joshua? Tunay na pag-ibig o pansamantalang kaligayahan lang? Anong magiging bunga ng maraming kasalanan ni Sofia?

 

Abangan ang mainit na kuwentong ito sa Karelasyon! Ilalahad na ni Ms. Carla Abellana ngayong Sabado, September 5, 2:30 pm pagkatapos ng Eat Bulaga.