Babaeng may obsesyon sa mga mamahaling bag, tampok sa 'Karelasyon'

Para sa maraming kababaihan, ang kanilang bag ay hindi lamang lalagyan ng mga gamit. Ito ay form of expression o parte rin ng kanilang identity.
Sa mga tumatangkilik ng designer bag, ito ay status symbol din. Kapag mas maganda o mas mahal ang ‘yung bag, mas angat sa iba!
Maraming humahanga sa kagandahan ng mga designer bag. Pero paano kung humantong na ito sa hindi ma-kontrol na luho o obsesyon? Paano ito makakaapekto sa relasyon sa pamilya at mga mahal sa buhay?
Tunghayan ang kwento ng isang simpleng maybahay na nagbago ang ugali magmula nang ma-impluwensyahan siya ng mga kaibigan na mahumaling din sa mga designer bag.
Tampok sina Diana Zubiri, Ina Feleo, Nina Jose at Ken Alfonso, sa panulat ni Gay Domingo, direksyon ni Adolf Alix, Jr. at paglalahad ni Ms. Carla Abellana, abangan ang storyang ito sa Karelasyon ngayong Sabado, December 5, 2015, pagkatapos ng Eat Bulaga!