ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pang-aabuso sa isang OFW, tampok sa 'Karelasyon'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

Nangingibang-bansa ang maraming Pilipino para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Handa nilang tiisin ang pagiging malayo sa kanila upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Pero paano kung ang paglisan nila sa bansa para maiahon ang pamilya sa kahirapan ang siya namang magdadala sa kanila sa kapahamakan at mas matinding problema?

Makakatakas nga si Mika (Angeli Bayani) mula sa kalupitan ng kaniyang amo sa abroad, pero anong kapalaran naman kaya ang haharapin niya sa poder ng kapwa Pilipinong sasaklolo sa kanya roon?

Ang tulong na ibinigay ni Bong (Allen Paule), ano kaya ang magiging kapalit?

Ito ang problemang pipiliin na lang ilihim ng OFW na si Mika mula sa kanyang mister (Antonio Aquitania), na siya namang pagmumulan ng lamat sa relasyon nilang dalawa.

Paano haharapin ni Mika ang mga pagsubok na ito?

Abangan ang sunod na kuwentong tampok sa Karelasyon! Sa pagbibida nina Angeli Bayani, Allen Paule, at Antonio Aquitania, sa panulat ni Danzen Santos-Katanyag at direksyon ni Paul Sta. Ana.

Samahan si Ms. Carla Abellana ngayong Sabado, December 12, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Tags: prstory, plug