Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Martin del Rosario, bibida sa huling dalawang linggo ng 'Dangwa.'


AIRING: JANUARY 18- JANUARY 22, 2016

LAST TWO WEEKS NA  NG DANGWA at patindi ng patindi ang kilig at rebelasyon mula Lunes hanggang Biyernes sa Kiligseryeng nagpapatibok ng inyong mga puso tuwing umaga.

Ngayong linggo, mabubunyag na ang sikreto sa tunay na pagkatao ni Rosa (JANINE GUTIERREZ). Isang hindi inaasahang bisita ang darating, si  Miguel ( MARTIN DEL ROSARIO)--- ang apo ni Dante, ang lalaking naging dahilan kung bakit tinalikuran ni Rosa ang kanyang imortal na mundo at napagpadpad sa Dangwa. Paano kung malaman ni Miguel na ang kaharap niyang si Rosa ang hindi tumatandang nilalang na minahal ng kanyang Lolo Dante ?

Lalabas na rin ang tunay na kulay ni Lorenzo (ALJUR ABRENICA) lalo na ngayong umamin na si Baste (MARK HERRAS) sa tunay niyang nararamdaman kay Rosa.  Kung malalaman mong nanakit ang taong mahal mo, pipiliin mo pa rin ba siya ?  Kanino  mapupunta ang puso ni Rosa?

Isa pang kailangan abangan ay ang pamumukadkad ng lovelife ng masayahin na sis ni Rosa na si Miriam. Ano kaya ang mga nakakakilig na mga eksena at madadramang tagpo sa kwento ng pag-ibig ni Miriam? Isang mahiwagang bulaklak na lamang ang natitira, para kanino kaya ito? At ano ang mangyayari kay Rosa kapag natapos na niya ang kanyang Misyon? Abangan natin ang nakakapanabik na mga eksena sa Dangwa, 11 AM sa GMA.

Tags: plug, dangwa