ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Karelasyon: Pag-ibig o Pamilya?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Para sa atin dito sa Pilipinas, matuturing na isang malaking utang na loob ang buhay at pagpapalaki na ibinigay sa atin ng ating mga magulang. Kaya naman isang responsibilidad para sa atin na alagaan at suklian naman sila ng pagmamahal at pag-aaruga sa kanilang pagtanda.


Ito ang responsibilidad na pinupunuan ni Emilia (Angel Aquino) sa kanyang ina na si Adela (Anita Linda). Ngayong nasa dapit-hapon na ng kanyang buhay ni Adela, ang kanyang anak ang tanging tumutulong sa kanya sa pang-araw araw niyang pangangailangan at buong pusong nag-aalaga sa kanya. Sa katunayan, hindi na nga nakapag-boyfriend ni minsan si Emilia dahil sa paninilbihan sa ina. Pero lingid sa kaalaman ni Adela, hanggang ngayon umaasa pa ring magkakaroon ng sarili niyang pamilya si Emilia at tila magkakatotoo na ito nang makilala niya si David (Benjamin Alves).Nang malaman ni Adela na may David si Emilia, hindi ito ikinatuwa ng ina. Selos ang naramdaman nito at takot na baka iwan siya ng kanyang anak. Kaya naman siya mismo ang tumututol sa relasyong ito ni Emilia.


Ngayon, kinakailangang pumili ni Emilia, sino nga ba ang mas may halaga sa kanya: Ang kanyang ina na nag-aruga sa kanya simula pagkabata o ang lalaking bubuo sana ng mga pangarap niya?Tama nga ba na tumutol si Adela sa relasyong ito ni Emilia? Matuturing bang walang utang na loob si Emilia kung sakaling pag-ibig naman ang kanyang pipiliin? Hanggang kailan nga ba dapat pagbayaran ng isang anak ang mga naging sakripisyo ng kanyang magulang?Ito ang bagong kwentong tampok sa Karelasyon, sa panulat ni Jerome Zamora at direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.

Tags: karelasyon, pr