ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyuda, pumayag ikasal para sa pera tampok sa 'Karelasyon'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Nasa isang maselang sitwasyon si Michelle (Kris Bernal). Kamamatay lamang ng kanyang asawa habang ang kanyang anak na sanggol pa lamang ay sakitin naman. Pinipilit ni Michelle itaguyod ang buhay nilang mag-ina pero hindi sapat ang kanyang kinikita para sa kanilang mga pangangailiangan. Sa katunayan, napilitan na siyang makituloy sa kanyang tiyahin (Odette Khan) at pinsan (Ryza Cenon) na masasama ang ugali, para magkaron sila ng libreng tirahan at may pansamantalang makakapagbantay sa kanyang baby sa tuwing siya ay nasa trabaho.

Kaya naman nang makilala ni Michelle si Frank (Fabio Ide) at binigyan siya nito ng pagkakataong kumita, nagkaroon ng pag-asa si Michelle. Nais sanang magtayo ng negosyo ni Frank dito sa Pilipinas ngunit magagawa lang daw niya ito kung siya ay magkakaron ng misis na Filipina. Ang alok ni Frank kay Michelle: magpakasal sa kanya. At alang-alang sa kanyang anak at pamilya, pumayag si Michelle sa “business proposal” ni Frank kahit na hindi siya kampante sa kanyang desisyon.
Sa kasunduan nina Michelle at Frank, pareho ba silang makikinabang talaga? Ano kaya ang maaring idulot kay Michelle at sa kanyang anak ng pagpapakasal sa lalaking hindi niya lubos na kilala?
O possible rin kayang mauwi sa totoong pagmamahalan ang kanilang relasyon?

Ito ang sunod na kwentong handog ng Karelasyon! Kasama si Ms Carla Abellana, mapapanood ang Karelasyon tuwing Sabado ng hapon pagkatapos ng Eat Bulaga.
Tags: pr