ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Security guard at construction worker, maghaharap sa #LIKE


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BOSES NG MASA
BRIAN MCGUARD NG DAVAO VS BOMBILYA ROCKSTAR NG LANAO DEL NORTE
#LIKEBosesNgMasa


It’s Mamang Security Guard versus Kuyang Construction Worker sa #LIKE ngayong Sabado!

 


Para hindi antukin habang naka-duty, naisipan ng security guard na si Garry Japhet Flores na videohan ang sarili habang kumakanta ng Back At One ni Brian McKnight. At laking gulat niya na pagka-upload niya nito sa Facebook bigla itong nag-viral dahilan para bansagan siyang Brian McGuard ng Davao.

 


Ang construction worker naman na si Jerry Velasquez, napagkatuwaan lang ng kanyang mga kasama sa construction na videohan habang kumakanta ng Ika’y Mahal Pa Rin gamit ang bombilya bilang mikropono. Hindi niya akalain na ito ang magbibigay sa kanya ng titulo bilang Bombilya Rockstar ng Lanao del Norte.

 


Pero paano kaya kung ang dalawang online sensation na parehas malamig ang boses… pagsasalpukin? Sino kaya ang pinaka-#LIKE ng sambayanan? Ang showdown nina Garry at Jerry magaganap sa harapan ng mga kapwa nila manggagawa sa Navotas Fishport kung saan makakasabay rin nila sa pag-awit si Renz Verano.  Para sa publiko, sino kaya ang tunay na kakatawan na boses ng masa?

 


#LIKE Tagisan ng Internet Sensations kasama si Tom Rodriguez at Balang ngayong Sabado na pagkatapos ng Eat Bulaga.