ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga batang tambolista, magtatagisan sa #LIKE


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

TAMBOLISTA

FANTASTIC DRUMMER BOY NG LA UNION VS CHARMING TAMBOLISTA NG VALENZUELA

#LIKETambolista

Nagviral nitong Enero ang taga-La Union na si Raven Guzman matapos siyang mavideohan na nagtatambol sa saliw ng Fantastic Baby. Pero imbes na totoong drums, ang hinahampas niya --- mga lumang basyo ng toyo, biskwit at gasolina. Sa kabila nito, kinakitaan siya ng talento sa pagtatambol. Ito pa nga ang naging tiket niya para makilala at makajamming sa pagda-drums si Maine Mendoza.

 

Pero pagdating sa pagtatambol, may gustong humamon kay Raven! Siya si Lories Esguerra mula Valenzuela. Kahit pa nalugi na ang rehearsal studio ng kanyang ama, hindi pa rin binenta ang kanilang drum set dahil kinakitaan nito ang anak na si Lories nang husay sa pagtatambol.

 


Natatangi ang showdown ng dalawa dahil hindi show band ang makakasabay nilang tumugtog. Sa halip, ang award winning na marching band ng Armed Forces of the Philippines! At ang dalawa nating contestants, tutugtog habang nakapiring ang kanilang mga mata!

 


Tiyak na mapapahampas kayo nang malakas sa husay ng dalawang ito! #LIKE Tagisan ng Internet Sensations kasama si Tom Rodriguez at Balang ngayong Sabado na pagkatapos ng Eat Bulaga.