ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga miyembro ng LGBT community, magtatagisan sa #LIKE


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

PAK NA PAK!
SHEVOYZ VS TAMMY BROWN
#LIKEPaknaPak


Tiyak na astig at hindi papakabog ang labanan ng tampok nating online sensations ngayong Sabado. Ang mga magpapasiklaban kasi, mga miyembro ng LGBT community na sumikat sa kanilang viral singing videos.

 


Tumatak ang beking stand-up comedian na si Tammy Brown dahil sa rendition niya ng Tatlong Bibe na may version ni Regine Velasquez, Jaya, Lani Misalucha atbp. Dahil dito, binansagan siya bilang Kwak Kwak Diva!

 


Nagviral naman ang Shevoyz, singing group ng mga lesbian, dahil sa makabagbag damdamin nilang pag-awit ng Kunin Mo Na Ang Lahat sa Akin. Marami kasi ang nagulat dahil brusko man ang kanilang porma, ang boses naman nila pang-diva!

Pero kakaiba ang hinandang hamon ng #Like para sa kanilang singing battle. Magkakaroon sila ng grand transformation kung saan ang beking si Tammy bibihisan at dapat magboses ala-crooner na heartthrob. Habang ang mga lesbian naman na Shevoyz, aayusan na pang-diva.   Sino kaya ang convincing pa rin ang performance kahit sila’y… naka-drag?!

Para mas pag-initan ang kanilang tapatan, makakasama nila sa showdown ang dalawang Jukebox Queens, sina Imelda Papin at Eva Eugenio!

#LIKE Tagisan ng Internet Sensations kasama si Tom Rodriguez at Balang ngayong Sabado na pagkatapos ng Eat Bulaga.

Tags: pr, plug, like, paknapak, lgbt