ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bulilit rap battle, ngayong Sabado sa #LIKE


BULILIT RAP BATTLE
December 3, 2016
#LIKERapBattle


Dahil ang Pasko ay para sa mga bata, dalawang grupo ng mga kabataan na nagviral ang mga video habang nangangaroling at kumakanta sa lansangan ang magpapakitang gilas ngayong Sabado.


Natatandaan niyo pa ba sina Pido at Andrei na sumikat sa pangangaroling ng “Santa Klaus Santa Klaus May Facebook Ka Ba?” Ang kanilang video umabot lang naman ng 4.4 Million views sa Facebook! Mula noon binansagan na sila bilang Santa Klaus Kids ng Maynila.


Ang makakalaban naman nila ang video kung saan nakunan silang kumakanta sa labas ng supermarket, umabot lang naman ng 13 Million views sa Facebook!  Ang pangarap nila, maging mga sikat na rapper. Sila sina John Ray, Ralph at Andrew --- ang Junior Rappers ng Makati.


Ang kanilang rap battle magaganap sa isang theme park kung saan makakasama pa nila ang mga pambato ngayon ng Philippine Rap at fliptop na sina Basilio at Abra.

Simulan na ang pagdiriwang ng Pasko sa #LIKE Tagisan ng Internet Sensations kasama sina Tom Rodriguez at Balang ngayong Sabado na pagkatapos ng Eat Bulaga.

Tags: pr, plug, #like, rap, battle