Salpukan ng dalawang viral dance groups, ngayong Sabado sa #LIKE

ROCKWELL DANCE CREW VS PHILIPPINE ISLAND ASSASSINS
December 10, 2016
#LIKEStepUp
Ang dalawa sa pinaka-tinitiliang dance groups --- ang Rockwell Dance Crew at Philippine Island Assassins --- magsasabong sa isang natatanging dance battle!
_2016_12_09_17_46_17_0.jpg)
Nakilala ang Rockwell Dance Crew matapos nilang pausuhin ang After Dance Party craze sa Pilipinas. Umabot lang naman ng 1.7 Million ang views ng kanilang video sa Youtube. At hindi lang sila magaling sumayaw, artistahin pa.
_2016_12_09_17_46_04_4.jpg)
Ang Philippine Island Assassins naman sumikat dahil sa kanilang buwis buhay stunts. Nakisabay sa Trumpets Challenge craze pero hindi lang sila basta gumiling, pinakita ang kanilang fit physique at nagpasirku-sirko rin! Kaya naman ang kanilang dance video umabot naman ng 1 Million views sa Facebook.
_2016_12_09_17_46_04_3.jpg)
_2016_12_09_17_46_04_2.jpg)
Mala-derby ang magaganap nilang dance battle dahil magaganap ito sa loob ng sabungan, kasama ang isa sa mga nangungunang loveteam ng GMA, ang Biguel --- sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Pero ang challenge natin sa kanila, kailangan nilang sumayaw nang… naka-blindfold!
_2016_12_09_17_46_04_1.jpg)
Mala-Step Up ang sayawan sa #LIKE Tagisan ng Internet Sensations kasama sina Tom Rodriguez at Balang ngayong Sabado na pagkatapos ng Eat Bulaga.