ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tapatan ng mga mga pinaka #LIKE ng taumbayan, ngayong Sabado sa 'LIKE'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ULTIMATE FINALE
February 11, 2017
#LIKEUltimateFinale
 
Makalipas ang halos kalahating taon, magtatapat-tapat na ang pinakamahuhusay na internet sensations na tinanghal na kampyon sa iba’t ibang singing battles ng #LIKE para sa Grand Finals.
 
 

Ang unang finalist, ang Videoke King ng Visayas na si Rolando “Bunot” Abante na nagkampyon sa Rakrakan with the Dancing Firemen.

 

Hindi naman daw patatalo sa kanya si Jerry Velasquez ang Bombilya Rockstar ng Mindanao na nanalo naman sa Boses ng Masa Showdown.

 

Nagbabalik din si Katrina Velarde ang Suklay Diva ng National Capital Region na landslide winner sa Pataasan at Pagandahan ng Boses sa Philippine Arena.

 

Habang si Lovely Masiddo, ang Libing Diva ng Luzon, bagamat natalo sa Biritan sa Baha sa Artex Compound, babangon muli sa hukay upang magsisilbing wildcard sa kompetisyon.

 

May dalawang bahagi ang Grand Finals. Sa unang round, magtatagisan sila sa pag-awit ng OPM classics.  Si Bunot laban kay Jerry habang si Katrina makakatapat si Lovely. Ang dalawang mas maiibigan sa kanila ng taumbayan ang performance ang siyang magdu-duet sa final round.  At dito muling magbobotohan ang 100 taumbayan likers kung sino para sa kanila ang Ultimate Champion ng #LIKE!

 


Huwag kaliligtaan ang Ultimate Finale ng #LIKE Tagisan ng Internet Sensations kasama si Tom Rodriguez at Balang ngayong Sabado na pagkatapos ng Eat Bulaga!