ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Jak Roberto, Sanya Lopez, Saab at Frank Magalona sasabak sa 'Follow Your Heart!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Tayo na sa Antipolo!

Kapag bumisita rito, hindi puwedeng walang maiuuwing pasalubong na suman at kasoy! Pero ano nga ba ang mga pinagdaraanang proseso ng mga pagkaing ito bago dalhin sa pamilihan?

‘Yan ang haharaping pagsubok ng Kapuso siblings na sina Sanya Lopez at Jak Roberto na makahaharap ang magkapatid na sina Frank at Saab Magalona.

Makikipamuhay sila sa dalawang pamilyang experts sa paggawa ng kasoy at suman. Tatlumpu't- dalawang taon nang hanapbuhay ng pamilya Sarte ang pagsusuman. Patok na patok ito sa mga pasalubong center sa Antipolo. Habang nanggagaling naman sa Palawan ang mga kasoy na itinitinda ng Pamilya Ramos. Mabusisi rin ang proseso nito na “hating kapatid” na pagtutulungan ng ating celebrity guests.


May panibagong exciting games din silang paglalabanan na ang nakataya… P50,000 para sa kanilang host family!

Samahan muli si Heart Evangelista-Escudero sa ultimate test ng relationship goals, Follow Your Heart! Ngayong Linggo, alas-5 ng hapon sa GMA 7.