Karanasan ng isang entertainer sa Japan, tampok sa 'Tadhana'

TADHANA
presents
AISHITEIRU
(Mahal Kita)
JESSA
Nilisan ng dalagang si Jessa ang kaniyang pamilya sa Pilipinas para maipaopera ang nabubulag na niyang ina at mapagtapos ng pag-aaral ang nakababatang kapatid. Batid niyang pagiging entertainer ang papasukin niyang trabaho, ngunit tila hindi siya naging handa sa mga pagsubok na kahaharapin niya sa ibang bansa. Katumbas ng bawat ‘lapad’ na ipinadadala niya sa Pilipinas ay sakripisyo na lunukin ang kahihiyan at isugal ang sariling dangal.
JIRO
Tahimik at seryoso si Jiro. Pero nang makillala niya si Jessa, tila nagbago ang kaniyang mundo. Mabilis na tumibok ang kaniyang puso, at siya’y napaibig nang totoo.
NOBU
Mapusok at matapang ang pagkakakilala kay Nobu. Pera at kapangyarihan ang pangunahin niyang sandata para mapasakamay ang lahat ng gusto.
Nagustuhan ni Nobu ang dalagang si Jessa.
Pero si Jessa, tila iba ang nasa puso.
Si Jiro na kaya ang para sa kaniya?
Hindi papayag si Nobu. Handa siyang magsimula ng gulo. At dito magsisimula ang masalimuot nilang mundo.
Ngayong Sabado ng hapon, tampok sina Diva Montelaba (Jessa), Neil Ryan Sese (Jiro), Art Acuna (Nobu), Lovely Rivero, Nicki B, at marami pang iba, sa totoong kuwento ng dating OFW sa Japan – AISHITEIRU, sa TADHANA, kasama si Marian Rivera, Sabado ng hapon, 3:15PM pagkatapos ng Ika-6 na Utos sa GMA 7.
Makilahok sa diskusyon online! Gamitin lang ang #TadhanaJapan sa social media.