ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Waiter na naging pizzeria owner sa Italy, tampok sa 'Tadhana'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

TADHANA presents
CHEF TISOY
August 19, 2017
Sabado, 3:15pm
GMA 7

 

 


May kasabihan na kapag may tiyaga, may nilaga. Pero para kay Tisoy, kapalit ng tiyaga ay pizza.

Nillisan ni Tisoy ang Pilipinas para makipagsapalaran sa Italya. Tulad ng maraming OFW, ginagawa niyang araw ang gabi para mas malaki ang maipon at maipadala sa pamilya. All-around domestic helper sa umaga, dishwasher at janitor naman sa isang pizzeria sa gabi. Hindi niya alam na ang paghuhugas ng plato at paglilinis ng mga mesa ang magdadala sa kanya para maging isang chef ng sarili niyang pizzeria.

Nang mamatay ang chef at may-ari ng pinagtatrabahuhan niyang pizzeria, suntok sa buwang sinalo ni Tisoy ang pamamahala nito. Paano nga ba itinaguyod ng isang tagahugas ng plato ang isang negosyo? Ano nga ba ang secret recipe para tanghaling First and Only Pinoy Pizza Chef in Milan?

Volere e potere! Kung gusto, may paraan! Kaya naman hindi mo talaga palalagpasin ang Tadhana ngayong Sabado na pangungunahan ni Gabby Eigenmann sa panulat ni Jerome Zamora at direksyon ni Rember Gelera.

Samahan natin si Tisoy sa pagtikim ng linamnam ng tagumpay sa "CHEF TISOY" na ilalahad ng
nag-iisang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa TADHANA ngayong Sabado 3:15pm pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.