OFW na binuhusan ng kumukulong mantika, tampok sa ‘Tadhana’
OFW SA MALAYSIA, PAULIT-ULIT NA SINAKTAN AT INABUSO NG AMO!
ANG SIGAW PARA SA KATARUNGAN, GAGAMPANAN NI GLAIZA DE CASTRO!
NGAYONG HAPON SA TADHANA, PAGKATAPOS NG IKA-6 NA UTOS!
Tadhana
hosted by Marian Rivera
LAPNOS

Halos magdikit-dikit ang balat sa mukha, puno ng mga paso at pasa ang katawan, at duguang nakita sa isang bakanteng lote sa Malaysia ang OFW na si Amie, matapos siyang saktan at abusuhin ng kaniyang amo sa ibang bansa.
Dating guro sa kanilang lugar ang mabait, masayahin at palabirong si Amie. Pero magbabago ang kaniyang buhay nang makatanggap ng alok na magtrabaho sa Malaysia bilang domestic helper o DH. Sa una niyang amo, nakaranas siya ng tangkang sekswal na pangaabuso, kaya't kaagad siyang tumakas at iniwan ang unang trabaho. Pero nang mapunta siya sa mga bagong amo na sina Lillian at Robert, doon na nagsimula ang kaniyang kalbaryo.
Makailang-ulit siyang binuhusan ng kumukulong tubig sa mukha at iba't ibang bahagi ng katawan. Tiniis niya ang mga suntok, sampal, pananabunot ng buhok, at kung anu-ano pang pananakit, para lamang hindi mawalan ng trabaho na tutupad sa pangarap niyang maiahon sa hirap ang pamilya niya sa Pilipinas. Sa huling araw niya sa kaniyang amo, binuhusan naman siya ng kumukulong mantika sa mukha at katawan.
Gagampanan ni Glaiza de Castro ang papel ng OFW na si Amie, kasama ang mga batikang artista na sina Tanya Gomez, Marina Benipayo, William Lorenzo, Bimbo Bautista at Norma Wong.
Kaisa ang Tadhana at si Marian Rivera sa pakikipagpalaban sa pangaabuso at hindi wastong pagtrato sa mga OFW. Abangan ngayong Sabado ang madamdaming kuwento ng buhay ni Amie sa Tadhana, 3:15PM pagkatapos ng Ika-6 na Utos sa GMA 7.
Para sa mga social media user, makisali sa diskusyon online gamit ang #TadhanaLapnos.