ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Anak ng isang OFW na minomolestiya ng sariling asawa, tampok sa 'Tadhana'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tadhana Presents Lihim

Paano kung madiskubre mo na ang mismong asawa mo ang lumalapastangan sa iyong mga anak?
Marami nang pinagdaanan si Diana bilang OFW sa iba’t ibang bansa. Naranasan na niyang pasuin ng tinidor sa likod, maduraan sa ulo, at pagtrabahuhin buong linggo nang walang pahinga. Sa pagkakatanggap niya sa Russia, ipinagdasal ni Diana na mabago na ang kaniyang tadhana. Naging mabait ang kaniyang amo maliban sa dalagang anak nito na tahasang ipinapakita ang pagkasuklam nito sa kaniya. Dahil hindi naman siya sinasaktan, sinabi ni Diana sa sarili na handa siyang muling magtiis. Ang hindi alam ni Diana, nasa Pilipinas ang kaniyang kalbaryo.
Isang tawag sa telepono ang magpapauwi sa kaniya sa bansa. At sa kaniyang pagbabalik, isang maitim na lihim ng kaniyang pamilya ang kaniyang matutuklasan — ang kaniyang kabiyak mismo ang lumalapastangan sa kanilang mga anak.
Ito na nga ba ang madilim na tadhanang nakatakda para kay Diana? Makababangon pa nga ba siya sa pagkakasadlak na ito? Tunghayan sa Tadhana Presents Lihim na pinagbibidahan nina Snooky Serna, Mon Confiado, Denise Barbacena, at Chesca Salcedo. Alamin kung paanong pinagtagumpayan ng mag-iina ang impyernong kanilang kinasadlakan sa #TadhanaRussia ngayong Sabado, Nobyembre 4, 3:15 ng hapon pagkatapos ng Ika-6 na Utos sa GMA 7.
More Videos
Most Popular