ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

OFW na biktima ng illegal recruiter, tampok sa 'Tadhana'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


TADHANA presents
BROKEN VOW
November 25, 2017
Sabado 3:15pm
GMA 7


Labandera noon, resort owner na ngayon.

Pangingibang bansa ang tanging paraang nakikita ni Loida para tuluyang maiahon ang pamilya sa kahirapan. Kaya malubog man sa pangungutang pambayad ng placement fee, agad sinunggaban ni Loida ang pagkakataong makapagtrabaho bilang clerk sa Qatar

Pero ang matatamis na salita ng kanyang recruiter, pangakong napako paglapag niya sa Qatar. Wala palang trabahong naghihintay sa kanya sa Doha. Natanso si Loida.

Para hindi mag-alala at mawala ang pag-asang makakaahon, itinago ni Loida ang lahat sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Sa kabila ng mapait na katotohanan, nanatili at naghanap ng trabaho si Loida sa Doha. Desidido siyang matupad ang pangakong magandang buhay sa pamilya.

Hanggang kailan magpapanggap si Loida? Mahuli kaya siya ng mga kinauukulan? At paano kung hindi lang pala ang pangako ng kanyang recruiter ang mababali kundi maging ang pangako ng katapatan ng kanyang asawa?

Ngayong Sabado, tunghayan ang kuwento ng mga sakripisyo ni Loida bago nakamit ang tagumpay na ngayo'y kanyang tinatamasa. Gagampanan ni Ms. Lotlot De Leon ang karakter ni Loida kasama sina Allan Paule at Jaycee Parker.

Sabay-sabay nating tutukan ngayong Sabado sa GMA Network ang #TadhanaBrokenVow pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.

Tags: pr, plug, tadhana