OFW na nakahanap ng pag-ibig online, tampok sa 'Tadhana'

IMBITADO tayong lahat sa nalalapit na kasal ni Nancy!
Biruin ninyo, NBSB o no-boyfriend-since birth ang ating bida, kaya naman malaking pasabog ang balitang nag-propose na sa kaniya ang fiance niyang Aussie na si Louie. Malungkot man itong tinanggap nina Lolo Mon at Lola Lolette dahil sila ang nagalaga sa kaniya mula pagkabata, naniniwala naman silang si Louie na ang 'kinight in shining armor' na dumating sa buhay ng kanilang dalaga.
Pero kung gaano sila kabilis magkakilala sa dating site sa internet, tila ganoon din yata kabilis mawala ang 'spark' sa relasyon nila? Ito kasing si Louie, madalas wala sa bahay. At si Nancy naman, nagtatrabaho sa kapit-bahay. Hindi tuloy nila mapagusapan ang nalalapit na kasal. At nang minsang makita ni Nancy ang damit ni Louie, aba, amoy pabango ng babae? May mga balita rin na may ibang chicks ang kaniyang nobyo. At ang business trip na alibi ni Louie, ibang klaseng trip? Baka may 'kabit'?
Sino ang 'kabit' sa magandang samahan nina Louie at Nancy? Abangan ngayong Sabado si Assunta de Rossi sa natatangi niyang pagganap sa Tadhana, hosted by Marian Rivera, 3:15PM pagkatapos ng Ika-6 na Utos sa GMA 7.
Gamitin ang #TadhanaSinoAngKabit para makisali sa diskusyon online.