ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mag-asawang OFW na nabiktima ng pyramiding scam, tampok sa 'Tadhana'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

TADHANA
PAG-UWI
hosted by Marian Rivera

 

 


Malamig ang Disyembre ng mga OFW na hindi nakauuwi sa Pilipinas para ipagdiwang ang masayang araw ng Pasko kasama ang kani-kanilang pamilya. Kaya sa kuwento ngayong Sabado, magbibigay-pugay ang Tadhana sa mga kababayan nating tinitiis ang lungkot at pangungulila sa panahong wala silang inaasam na regalo kundi ang yakap at pagmamahal ng mga kaanak na milya-milya ang layo sa kanila.

Matagal na pinagiipunan ng mag-asawang Lily at Emil ang pagbabalik-bansa nila mula sa dalawang taon na pagtatrabaho sa Canada. Nagkataong na-diagnose ng acute leukemia ang kanilang bunsong anak, at nangako rin silang uuwi para sa graduation ng panganay na si Bugoy. Pero magbabago ang takbo ng kanilang masalimuot na buhay sa ibang bansa, nang mabiktima sila ng isang investment scam ng mismo nilang kababayan sa Canada. Isang hindi malilimutang Pasko at Bagong Taon ang sasalubong sa mag-asawa na maninirahan sa loob ng kotse sa ilang linggo, matapos din silang mapaalis sa tinitirhan nilang bahay.

Tampok sa Tadhana ang nagbabalik-tambalan ng noo'y sikat na TGIS! loveteam na sina Angelu de Leon (Lily) at Bobby Andrews (Emil), kasama sina Marc Justine Alvarez at John Kenneth Giducos. "Pag-uwi", ngayong Sabado sa Tadhana, hosted by Marian Rivera, 3:15 PM pagkatapos ng Ika-6 na Utos sa GMA 7.

Tags: pr, plug