Sanya Lopez, bibida bilang OFW sa 'Tadhana'
TADHANA presents
PRODIGAL DAUGHTER
December 23, 2017
Sabado, 3:15pm
GMA 7

Para sa maraming OFW, walang kasing lungkot ang magdiwang ng Pasko nang malayo sa pamilya.
Pero para kay Elaine, mas ginusto pa niyang makipagsapalaran bilang domestic helper sa Hong Kong para lang lumayo sa kinamumuhiang ama.
Sa Hong Kong, mapapadpad siya kay Chen, o kilala sa kanilang building bilang Dragonesa. Ang hindi alam ng iba, may malalim na dahilan ang pagiging masungit at strikta niya. Galit din kasi ang dahilan kung bakit nilisan si Chen ng kanyang nag-iisang anak.
Lumayas si Elaine, iniwan naman si Chen. Ang kanilang pagtatagpo na kaya ang magbibigay puwang sa kapatawaran sa kanilang mga puso?
Ngayong Sabado, tunghayan ang pamaskong handog ng Tadhana. Inihahandog ng Tadhana ang isang kuwento ng pagpapatawad at kahalagahan ng pamilya na pangungunahan nina Sanya Lopez at Elizabeth Oropesa kasama sina Soliman Cruz, Divine, Keann Johnson, at Nikki Co.
Ipagdiwang ang Pasko ngayong Sabado sa #TadhanaProdigalDaughter, 3:15pm sa GMA 7.