ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

OFW sa France na naging milyonarya, kilalanin sa 'Tadhana'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

TADHANA presents
PANGARAP NA JACKPOT
March 3, 2018
Sabado, 3:15pm
GMA 7

 


Anong gagawin mo kapag nanalo ka sa lotto?

Kung si Cherry ang tatanungin, agad niyang ipapaopera ang tumor sa utak ng kanyang ama. Ito rin kasi ang nagtulak kay Cherry para iwan ang pamilya at mangibang bansa. Sabi nga, kailangan mong tumaya para manalo. Mula sa pagiging bookkeeper sa Pilipinas, namasukan bilang domestic helper si Cherry sa France.

Pero ang buhay daw ay parang sugal: minsan suwerte, minsan malas.

Ang mga amo kasi ni Cherry pupunta na ng Canada para doon manirahan. Kaya ang ending, tapos na rin ang kontrata niya bilang kasambahay. Nasa ibabaw ngayon, bukas nasa ibaba naman -- iyan daw ang gulong ng kapalaran na agad namang umikot para kay Cherry. Sa tulong ng kaibigan, may isang opisina sa France na nagbukas para sa kanya ng pintuan: from nanny to all-around office assistant!

Dito makikilala ni Cherry si Jean na mabibighani sa kanyang charm. Maging sa lovelife, luck at first sight? Talaga namang when it rains, it pours dahil uulan ng suwerte sa mas malaki pang naghihintay na pabuenas ang France para kay Cherry. Paano nito babaguhin ang buhay niya?

Sinusuwerte ka nga naman dahil malalaman mo na ngayong Sabado sa #TadhanaJackpot na pagbibidahan ni Valeen Montenegro kasama sina Miss World 2011 First Runner-up Gwendoline Ruais, Jonathan Wagner, Hannah Prescillas, at Marinella Sevidal. Ang hindi raw manood, mamalasin! Kaya abangan ang handog ng Tadhana na Pangarap Na Jackpot ngayong Sabado 3:15pm pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA7.

Tags: pr, plug