ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

OFW na nawalan ng anak habang nasa Jordan, tampok sa 'Tadhana'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

TADHANA presents
NAULILANG INA
March 24, 2018
Sabado 3:15pm
GMA 7



Gaano nga ba kasakit sa isang ina ang mamatayan ng anak?

Ang makatapos ng pag-aaral ang mga anak ang hudyat din ng pag-graduate ni Perlita sa pagtitiis bilang domestic helper sa Jordan. Kaya nang matanggap ni Perlita ang balitang gagradweyt na bilang engineer ang kanyang panganay, walang pagsidlan ang kanyang tuwa. Sa wakas, unti-unti nang nakakamit ang kanyang pangarap at nalalapit na rin ang kanyang pagtatapos bilang OFW.

Pero paano kung sadyang mapaglaro ang tadhana at ang abot-kamay nang pangarap, mawala sa isang iglap? Sa pagkawala ng kanyang panganay, unti-unti na nga rin bang mawawala ang pag-asa niya sa buhay?

Ang mas masaklap pa, hindi lang pala anak ang babawiin sa kanya.

Sa huling handog ng Tadhana para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, tunghayan ang isang masalimuot na kuwento ng isang babaeng humarap sa mga pagsubok ng tadhana bilang isang ina, anak, at asawa.  Sa unang pagkakataon at sa kanyang natatanging pagganap, bibigyang buhay ni Ms. Sunshine Dizon ang karakter ni Perlita kasama sina Jordan Herrera, Soliman Cruz, Paolo Gumabao, Bruce Roeland, Mariella Castillo, VJ Parreno, at Carly Feliciano.

Huwag palagpasin ang nakaantig na kuwento ng #TadhanaNaulilangIna ngayong Sabado 3:15pm sa GMA 7 pagkatapos ng Contessa.