Bagong buhay ng isang OFW sa Italy, tampok sa 'Tadhana'
TADHANA presents
STEPDAUGHTER
August 11, 2018
Sabado, 3:15pm
GMA 7

Musmos pa lang si Carol nang bawiin ng kanser ang ama mula sa kanila. Kaya naman sa muling pag-aasawa ng kanyang ina, umasa si Carol na makararanas ng pagmamahal at kalinga ng isang ama. Pero pananakit at pang-aabuso ang natatanggap ni Carol mula sa amain.
Nang muntik na rin siyang halayin ng amain at hindi ipagtanggol ng sariling ina, nagdesisyon si Carol na magpakalayo-layo. Sa Italya napadpad si Carol at namasukan bilang waitress at house cleaner doon. Layunin ni Carol na makapag-ipon para mabawi ang ina’t mga kapatid sa mapang-abusong amain.
Sa pakikipagsapalaran ni Carol sa Italya, makikilala niya ang Italyanong si Luigi. Si Luigi na nga ba ang pupuno sa uhaw sa pagmamahal niyang puso o ang magbabalik sa kalupitang naranasan sa kanyang ama-amahan?
Tampok si Kris Bernal kasama sina Maria Isabel Lopez, DJ Durano, Hannah Prescillas, at Nico Locco, tunghayan ang buong kuwento sa #TadhanaStepdaughter ngayong Sabado, 3:15pm pagkatapos ng Contessa sa GMA 7.